Wednesday, January 22, 2014

Virgin Coconut Oil

0 comments
Have you ever heard of the saying. "Virginity is the best gift you could give to your husband?" I know you would. Old people say that to most teenagers around fourteen to sixteen years old. Especially when they reach the age were they think boys' greasy hairs are attractive.

So, wala naman masama kung papaniwalaan mo yan eh. Wala naman masama kung yun gusto mo. Pero, paano naman yung iba? Masasabi mo bang "virginity" ang hahanapin mo sa babae pag ikakasal kayo? Come on, guys. Kung yan ang goal niyo, then I feel sorry for the girl you're going to be with.

Let's face it. We live in a world where pre marital sex is normal. Kahit nga elementary students, alam yung meaning niyan. I'm not saying it's a good thing. Kung pwede nga lang, mga 20+ and above lang ang nageengage diyan e. Tutal sila ay matured and nahahandle na nila ang mga ganyang bagay. Pero, sa totoo lang? Kung virginity lang ng babae habol niyo, wala kayong karapatan magkagirlfriend.

Kasi ganito yun e. Ano ba yung virginity? Paano ba nawawala to? Sa iba, yun yung pag nagalaw na ng lalaki yung hymen ni girl. Eh kahit naman na hindi nagagalaw ang hymen ng isang girl, pwede pa rin itong mapunit ng paglalagay ng tampon, paggawa ng physical exercise at sa iba pang paraan na hindi kelangan sexually.

Para sakin, it's just another word to degrade women. Pansinin mo, pag nalaman mong hindi na "virgin" ang isang babae, ang pangit na ng tingin mo sakanya? Aaminin ko, ganyan ako dati. Pag nalaman kong si ano ganito, ganyan. Naiiba tingin ko sakanya. Eh sa panahon ngayon, napaisip ako. Ano nga ba karapatan kong i-judge ang babaeng to? Desisyon niya yun eh. Rerespetuhin ko. Paano kung ni-rape ka? Di kana virgin. ganon? Hindi ka na pure? Diba? Napakasama ng term na yun pag ginamit mo sa mga babae. Hindi sukat ang pagiging virgin (o hindi na virgin) para masabi kung anong klaseng tao ka.

Lahat naman ng babae, may virginity. Pero hindi dahil lang nakipagsex ka, automatic di kana virgin. Nasa babae kasi yan e, siya magbabase kung ibibigay ba niya purity niya sa lalaking to o hindi. Nasa kanya yun, kung romantic and making love yung gagawin nila. Kung handa siyang ibigay lahat sa lalaking to, kahit hindi siya yung first, o yung last. Basta alam nilang "Eto, totoo na to."  Hindi basta basta sex for the sake of enjoying and doing it for fun and wala lang.

Kaya back to the "after wedding ko na ibibigay flower ko." Well, pabor ako diyan. Kasi yan din yung time kung saan ready kana magkababy, may asawa kana, responsible adult ka na. Sige, ganyan din naman gusto ko. Yung sa lalaking gusto ko na makasama habangbuhay. Pero paano nga yung, nagkamali? Na-rape? Gusto ko lang ipakita at sabihin sa lahat na yun, hindi mo kelangan magdwell sa fact na yun. Kasi "virginity" is just a word used to degrade and humiliate women with their personal choices. Diba? I'm not saying you should have sex agad. I'm just stating my definition of "Virginity." Mas mainam nga (Wow mainam) pag sure kana sa lalaking yan. And always think of the consequences. Lalong lalo na yang mga teenagers na yan na papalit palit ng partners! Practice safe sex, kung kaya niyo naman ng Abstinence, gawin niyo na din. Mas exciting nga pag alam mong kayo na talaga sa isa't isa eh sa kasal niyo na gawin para bongga! Eh kung di niyo talaga kaya pigilin, eh alam niyo naman tinuro sa Sex Ed ninyo ah. As if di niyo fave subject yan. (Di ko kasi naging subject yan harhar) Eh, kung naiintindihan niyo naman ako e thank you. Alam kong maraming babatikos sakin at tatanggapin ko naman yun. Pananaw ko to e. Ayoko lang talagang nalalait ang isang babae porke't hindi na siya "Virgin" kasi ako, kahit hindi ako yung tipong nagdedesisyon ng ganyan, ayoko din naman malait dahil lang nagdesisyon ako para sa gusto ko e. So, sana. Kayo din.

So yun lang guys. Puyatan mode nanaman eh. Tinulugan ako ng boyfriend. Sige, good morning :)

- Allie x



 

The Clueless Wanderer Copyright © 2012 Design by Ipietoon Blogger Template